Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Panginoon, huwag nʼyo akong parusahan kahit na kayo ay nagagalit sa akin. |
| 2 |
| Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na. |
| 3 |
| O Panginoon, akoʼy labis na nababagabag. Kailan nʼyo po ako pagagalingin? |
| 4 |
| Dinggin nʼyo ako Panginoon at akoʼy palayain. Iligtas nʼyo ako sa kamatayan alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin. |
| 5 |
| Dahil kung akoʼy patay na ay hindi na kita maaalala, sa lugar ng mga patay ay hindi na rin ako makakapagpuri pa. |
| 6 |
| Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing. Gabi-gabiʼy basa ng luha ang aking unan, dahil sa labis na pag-iyak. |
| 7 |
| Ang aking mga mataʼy namumugto na sa kaiiyak, dahil sa ginagawa ng lahat kong mga kaaway. |
| 8 |
| Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng kasamaan, dahil narinig ng Panginoon ang aking pag-iyak. |
| 9 |
| Narinig niya ang paghingi ko ng tulong, at sasagutin niya ang aking dalangin. |
| 10 |
| Mapapahiya at matatakot ang lahat ng aking kaaway, kaya bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/006.mp3
150
6