Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Oh Dios, iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami; ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami. |
| 2 |
| Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka: pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagkat umuuga. |
| 3 |
| Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay: iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray. |
| 4 |
| Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo, upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah) |
| 5 |
| Upang ang iyong minamahal ay makaligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. |
| 6 |
| Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; akoy magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth, |
| 7 |
| Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro. |
| 8 |
| Moab ay aking hugasan; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak; Filistia, humiyaw ka dahil sa akin. |
| 9 |
| Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? |
| 10 |
| Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios? At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo. |
| 11 |
| Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao. |
| 12 |
| Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagkat siya ang yumayapak sa aming mga kaaway. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/060.mp3
150
60