Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Kami'y iyong itinakwil, O Diyos, kami ay nilupig, kami sana'y balikan mo kung ikaw man ay nagalit. |
| 2 |
| Yaong lupang sinaktan mo'y nanginginig na lupain, bago lubos na mawasak, gamutin mo't pagalingin. |
| 3 |
| Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod, lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot. |
| 4 |
| Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan, upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah) |
| 5 |
| Ang dalangin nami'y dinggin, sa lakas mo ay iligtas, upang sila na mahal mo'y mahango sa paghihirap. |
| 6 |
| Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal, “Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay; ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang. |
| 7 |
| Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin; ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim; samantalang itong Juda ay setrong dadakilain. |
| 8 |
| Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan, samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan; at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.” |
| 9 |
| Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon? Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom? |
| 10 |
| Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na? Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama? |
| 11 |
| O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan; |
| 12 |
| Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/060.mp3
150
60