Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin. |
| 2 |
| Mula sa dulo ng mundo, tumatawag ako sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin nʼyo ako sa lugar na ligtas sa panganib, |
| 3 |
| dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway. |
| 4 |
| Hayaan nʼyo akong tumira sa inyong templo magpakailanman at ingatan nʼyo ako tulad ng manok na nag-iingat ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak. |
| 5 |
| Dahil napakinggan nʼyo, O Dios, ang aking mga pangako sa at binigyan nʼyo ako ng mga bagay na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo. |
| 6 |
| Pahabain nʼyo ang buhay ng hari at paghariin nʼyo siya sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga lahi. |
| 7 |
| Sanaʼy maghari siya magpakailanman na kasama nʼyo, O Dios, at ingatan nʼyo siya sa inyong pag-ibig at katapatan. |
| 8 |
| At akoʼy palaging aawit ng papuri sa inyo, at tutuparin kong lagi ang aking mga pangako sa inyo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/061.mp3
150
61