Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. |
| 2 |
| Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras! |
| 3 |
| Hanggang kailan ba ninyo lulupigin ang sinuman na nais ninyong patayin? Tulad ng isang pader siya'y ibagsak, gaya ng bakod siya'y mawawasak. |
| 4 |
| Nais lamang ninyong siya ay siraan, sa inyong adhikang ibaba ang dangal; ang magsinungaling, inyong kasiyahan. Pangungusap ninyo, kunwa'y pagpapala, subalit sa puso'y inyong sinusumpa. (Selah) |
| 5 |
| Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya. |
| 6 |
| Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras! |
| 7 |
| Ang kaligtasan ko't aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang. Siya'y malakas kong tagapagsanggalang, matibay na muog na aking kanlungan. |
| 8 |
| Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah) |
| 9 |
| Ang taong nilalang ay katulad lamang ng ating hiningang madaling mapatid. Pagsamahin mo ma't dalhin sa timbangan, katumbas na bigat ay hininga lamang. |
| 10 |
| Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan. |
| 11 |
| Hindi na miminsang aking napakinggan na taglay ng Diyos ang kapangyarihan, |
| 12 |
| at di magbabago kanyang pagmamahal. Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/062.mp3
150
62