×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 63

1
Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2
Sa gayoy tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3
Sapagkat ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi.
4
Sa gayoy pupurihin kita habang akoy nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5
Ang kaluluwa koy matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig koy pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6
Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7
Sapagkat naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak moy magagalak ako.
8
Ang kaluluwa koy nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan.
9
Ngunit ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa.
10
Silay mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: silay magiging pagkain sa mga zorra.
11
Ngunit ang hari ay magagalak sa Dios: bawat sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagkat ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala