Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan. |
| 2 |
| Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. |
| 3 |
| Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo. |
| 4 |
| Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo. |
| 5 |
| Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan |
| 6 |
| Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko. Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko. |
| 7 |
| Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako, habang akoʼy nasa inyong pangangalaga. |
| 8 |
| Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako ng inyong kanang kamay upang hindi ako mapahamak. |
| 9 |
| Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay ay mapupunta sa lugar ng mga patay. |
| 10 |
| Mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga asong-gubat. |
| 11 |
| Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya. Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/063.mp3
150
63