Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig. |
| 2 |
| Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian. |
| 3 |
| Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi. |
| 4 |
| Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan. |
| 5 |
| Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi; |
| 6 |
| Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi. |
| 7 |
| Sapagka't naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako. |
| 8 |
| Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan. |
| 9 |
| Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa. |
| 10 |
| Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra. |
| 11 |
| Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/063.mp3
150
63