Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan, sa pagkaligalig dahil sa kaaway, huwag akong hayaan; |
| 2 |
| ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan, niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan. |
| 3 |
| Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas, tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap. |
| 4 |
| Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao, at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito. |
| 5 |
| Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila, kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita. |
| 6 |
| At ang sasabihin pagkatapos nilang makapagbalangkas, “Ayos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.” Damdamin ng tao at ang isip niya'y mahiwagang ganap! |
| 7 |
| Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya, walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla. |
| 8 |
| Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin, at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin; |
| 9 |
| yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalita ang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa. |
| 10 |
| Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak, magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/064.mp3
150
64