Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, pakinggan nʼyo ang daing ko! Ingatan nʼyo ang buhay ko mula sa banta ng aking mga kaaway. |
| 2 |
| Ingatan nʼyo ako sa kasamaang pinaplano nila. |
| 3 |
| Naghahanda sila ng matatalim na salita, na gaya ng espada at palasong nakakasugat. |
| 4 |
| Nagsasalita sila ng masakit sa likod ng mga taong matuwid na parang namamana nang patago. Bigla nila itong ginagawa nang walang katakot-takot. |
| 5 |
| Hinihikayat nila ang isaʼt isa na gumawa ng kasamaan at pinag-uusapan nila kung saan maglalagay ng bitag. Sinasabi nila, “Walang makakakita nito.” |
| 6 |
| Nagpaplano sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!” Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao! |
| 7 |
| Ngunit papanain sila ng Dios at bigla na lang silang masusugatan. |
| 8 |
| Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang sinabi, kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila. |
| 9 |
| At lahat ng tao ay matatakot. Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Dios at ipahahayag ito sa iba. |
| 10 |
| Magagalak at manganganlong sa Panginoon ang lahat ng matuwid. At magpupuri sa kanya ang mga gumagawa ng tama. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/064.mp3
150
64