Mapalad ang tao na iyong pinipili at pinalalapit upang manirahan sa iyong mga bulwagan! Kami ay masisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong templong banal!
Sa pamamagitan ng mga gawaing kakilakilabot, sa katuwiran kami'y iyong sinasagot, O Diyos ng aming kaligtasan; ikaw na siyang tiwala ng lahat ng mga hangganan ng lupa, at ng mga dagat na pinakamalayo.
Anupa't sila na naninirahan sa pinakamalayong hangganan ng lupa ay natatakot sa iyong mga tanda; ang mga paglabas ng umaga at gabi ay pinasisigaw mo sa tuwa.
Ang lupa'y iyong dinadalaw at dinidiligan, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Diyos ay puno ng tubig; ang kanilang butil ay inihahanda mo, sapagkat sa gayon inihanda mo ang lupa.