|
| 1 |
|
| Sumigaw sa galak ang mga nilalang! |
|
| 2 |
|
| At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! |
|
| 3 |
|
| Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. |
|
| 4 |
|
| Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah) |
|
| 5 |
|
| Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan, ang kahanga-hangang ginawa sa tanan. |
|
| 6 |
|
| Naging tuyong lupa kahit na karagatan, mga ninuno nati'y doon dumaan; doo'y naramdaman labis na kagalakan. |
|
| 7 |
|
| Makapangyarihang hari kailanman, siya'y nagmamasid magpakailanman; kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah) |
|
| 8 |
|
| Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos, inyong iparinig papuring malugod. |
|
| 9 |
|
| Iningatan niya tayong pawang buháy, di tayo bumagsak, di niya binayaan! |
|
| 10 |
|
| O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. |
|
| 11 |
|
| Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. |
|
| 12 |
|
| Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. |
|
| 13 |
|
| Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. |
|
| 14 |
|
| Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. |
|
| 15 |
|
| Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) |
|
| 16 |
|
| Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. |
|
| 17 |
|
| Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. |
|
| 18 |
|
| Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. |
|
| 19 |
|
| Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. |
|
| 20 |
|
| Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan, pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan, at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan. |
|
|
|
|