|
| 1 |
|
| Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. |
|
| 2 |
|
| Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. |
|
| 3 |
|
| Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. |
|
| 4 |
|
| Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah) |
|
| 5 |
|
| Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao. |
|
| 6 |
|
| Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya. |
|
| 7 |
|
| Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah) |
|
| 8 |
|
| Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan: |
|
| 9 |
|
| Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa. |
|
| 10 |
|
| Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak. |
|
| 11 |
|
| Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang. |
|
| 12 |
|
| Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako. |
|
| 13 |
|
| Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko, |
|
| 14 |
|
| Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian. |
|
| 15 |
|
| Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah) |
|
| 16 |
|
| Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa. |
|
| 17 |
|
| Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila. |
|
| 18 |
|
| Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon: |
|
| 19 |
|
| Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin. |
|
| 20 |
|
| Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin. |
|
|
|
|