Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, kaawaan nʼyo kami at pagpalain. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan, |
| 2 |
| upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas. |
| 3 |
| Purihin ka sana ng lahat ng tao, O Dios. |
| 4 |
| Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghahatol at pagpapatnubay sa lahat ng bansa. |
| 5 |
| O Dios, purihin sana kayo ng lahat ng bansa. |
| 6 |
| Mag-ani sana ng sagana ang mga lupain. Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Dios, na aming Dios. At magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo. |
| 7 |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/067.mp3
150
67