Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) |
| 2 |
| Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. |
| 3 |
| Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. |
| 4 |
| Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah) |
| 5 |
| Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. |
| 6 |
| Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami. |
| 7 |
| Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/067.mp3
150
67