|
| 1 |
|
| Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. |
|
| 2 |
|
| Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. |
|
| 3 |
|
| Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios. |
|
| 4 |
|
| Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha. |
|
| 5 |
|
| Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo. |
|
| 6 |
|
| Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel. |
|
| 7 |
|
| Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha. |
|
| 8 |
|
| Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina. |
|
| 9 |
|
| Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. |
|
| 10 |
|
| Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin. |
|
| 11 |
|
| Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. |
|
| 12 |
|
| Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango. |
|
| 13 |
|
| Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, |
|
| 14 |
|
| Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig. |
|
| 15 |
|
| Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin. |
|
| 16 |
|
| Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin. |
|
| 17 |
|
| At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali. |
|
| 18 |
|
| Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway. |
|
| 19 |
|
| Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo. |
|
| 20 |
|
| Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan. |
|
| 21 |
|
| Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom. |
|
| 22 |
|
| Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan. |
|
| 23 |
|
| Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang. |
|
| 24 |
|
| Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit. |
|
| 25 |
|
| Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda. |
|
| 26 |
|
| Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan. |
|
| 27 |
|
| At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran. |
|
| 28 |
|
| Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid. |
|
| 29 |
|
| Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako. |
|
| 30 |
|
| Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat. |
|
| 31 |
|
| At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa. |
|
| 32 |
|
| Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios. |
|
| 33 |
|
| Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo. |
|
| 34 |
|
| Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon. |
|
| 35 |
|
| Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari. |
|
| 36 |
|
| Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon. |
|
|
|
|