Kayo Panginoon ang humahatol sa lahat ng tao. Patunayan nʼyo sa kanila na mali ang kanilang mga paratang laban sa akin, dahil alam nʼyo na akoʼy matuwid, at namumuhay nang wasto.
Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao, at pagpalain nʼyo ang mga matuwid, dahil kayo ay Dios na matuwid, at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.
Kung ayaw nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan, ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan. Katulad nʼyo ay isang sundalong nakahanda na ang mga nakamamatay na sandata. Nahasa na niya ang kanyang espada, at nakaumang na ang palasong nagbabaga.
Pero sila mismo ang mapapahamak sa kanilang binabalak na panggugulo at karahasan. Ang katulad nila ay humuhukay ng bitag para mahulog ang iba, pero sila rin ang mahuhulog sa hinukay nila.