Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon. |
| 2 |
| Mangapahiya at mangalito sila, na nagsisiusig ng aking kaluluwa: mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri. Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan. |
| 3 |
| Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha. |
| 4 |
| Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios. |
| 5 |
| Ngunit akoy dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/070.mp3
150
70