×

Magandang Balita Biblia

Awit 70

1
Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas, tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!
2
Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay, bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan; iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan, bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.
3
Sila namang ang layunin ay magtawa at mangutya, sa kanilang pagkatalo, bayaan ding mapahiya.
4
Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa, at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”
5
Lubos akong naghihirap, tunay na nanghihina, lumapit ka sana agad, O Diyos, sana'y lumapit ka; O aking tagapagligtas, katulong ko sa tuwina, huwag mo akong paghintayin, Yahweh, sana'y mahabag ka!
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala