|
| 1 |
|
| Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. |
|
| 2 |
|
| Ngunit tungkol sa akin, ang mga paa koy halos nahiwalay: ang mga hakbang koy kamunti nang nangadulas. |
|
| 3 |
|
| Sapagkat akoy nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. |
|
| 4 |
|
| Sapagkat walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. |
|
| 5 |
|
| Silay wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. |
|
| 6 |
|
| Kayat kapalaluay gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. |
|
| 7 |
|
| Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: silay mayroong higit kay sa mananasa ng puso. |
|
| 8 |
|
| Silay manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: silay nangagsasalitang may kataasan. |
|
| 9 |
|
| Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. |
|
| 10 |
|
| Kayat ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. |
|
| 11 |
|
| At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? |
|
| 12 |
|
| Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasay laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, |
|
| 13 |
|
| Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; |
|
| 14 |
|
| Sapagkat buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga. |
|
| 15 |
|
| Kung aking sinabi, Akoy magsasalita ng ganito; narito, akoy gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. |
|
| 16 |
|
| Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin; |
|
| 17 |
|
| Hanggang sa akoy pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas, |
|
| 18 |
|
| Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. |
|
| 19 |
|
| Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Silay nilipol na lubos ng mga kakilabutan. |
|
| 20 |
|
| Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. |
|
| 21 |
|
| Sapagkat ang puso koy namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako: |
|
| 22 |
|
| Sa gayoy naging walang muwang ako, at musmos; akoy naging gaya ng hayop sa harap mo. |
|
| 23 |
|
| Gayon may laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan. |
|
| 24 |
|
| Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. |
|
| 25 |
|
| Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. |
|
| 26 |
|
| Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: ngunit ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. |
|
| 27 |
|
| Sapagkat narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. |
|
| 28 |
|
| Ngunit mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa. |
|
|
|
|