|
| 1 |
|
| Tunay na mabuti ang Dios sa Israel, lalo na sa mga taong malilinis ang puso. |
|
| 2 |
|
| Ngunit ako, halos mawalan na ako ng pananampalataya. |
|
| 3 |
|
| Nainggit ako nang makita ko na ang mayayabang at masasama ay umuunlad. |
|
| 4 |
|
| Malulusog ang kanilang mga katawan at hindi sila nahihirapan. |
|
| 5 |
|
| Hindi sila naghihirap at nababagabag na tulad ng iba. |
|
| 6 |
|
| Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan. |
|
| 7 |
|
| Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan, at ang laging iniisip ay paggawa ng masama. |
|
| 8 |
|
| Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba. Mayayabang sila at nagbabantang manakit. |
|
| 9 |
|
| Nagsasalita sila ng masama laban sa Dios at sa mga tao. |
|
| 10 |
|
| Kaya kahit na ang mga mamamayan ng Dios ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang mga sinasabi nila. |
|
| 11 |
|
| Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Dios? Walang alam ang Kataas-taasang Dios.” |
|
| 12 |
|
| Ganito ang buhay ng masasama: wala nang problema, yumayaman pa. |
|
| 13 |
|
| Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan? |
|
| 14 |
|
| Nagdurusa ako buong araw. Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan. |
|
| 15 |
|
| Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila, para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan. |
|
| 16 |
|
| Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito, ngunit napakahirap. |
|
| 17 |
|
| Pero nang pumunta ako sa inyong templo, doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama. |
|
| 18 |
|
| Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan, at ibinabagsak sa kapahamakan. |
|
| 19 |
|
| Bigla silang mapapahamak; mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan. |
|
| 20 |
|
| Para silang isang panaginip na pagsapit ng umaga ay wala na. Makakalimutan na sila kapag pinarusahan nʼyo na. |
|
| 21 |
|
| Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob, |
|
| 22 |
|
| para akong naging hayop sa inyong paningin, mangmang at hindi nakakaunawa. |
|
| 23 |
|
| Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at inakay nʼyo ako. |
|
| 24 |
|
| Ginagabayan ako ng inyong mga payo, at pagkatapos ay tatanggapin nʼyo ako bilang isang pangunahing pandangal. |
|
| 25 |
|
| Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo. |
|
| 26 |
|
| Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman. |
|
| 27 |
|
| Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat. |
|
| 28 |
|
| Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa. |
|
|
|
|