×

Magandang Balita Biblia (2005)

Awit 75

1
Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.
2
Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol.
3
Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)
4
“Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.
5
Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”
6
Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan.
7
Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay.
8
Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin.
9
Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas.
10
Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!
Tagalog Bible 2005
2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala