Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga. |
| 2 |
| Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol. |
| 3 |
| Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah) |
| 4 |
| “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat. |
| 5 |
| Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.” |
| 6 |
| Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan. |
| 7 |
| Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. |
| 8 |
| Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. |
| 9 |
| Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. |
| 10 |
| Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/075.mp3
150
75