Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, nagpapasalamat kami sa inyo. Nagpapasalamat kami dahil malapit kayo sa amin. Ipinapahayag ng mga tao ang inyong mga kahanga-hangang ginawa. |
| 2 |
| Sinabi nʼyo O Dios, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang may katuwiran.” |
| 3 |
| Kapag yumanig ang mundo at ang mga taoʼy magkagulo sa takot, ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo. |
| 4 |
| Sinasabi ko sa mga hambog, “Huwag kayong magyabang” at sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang inyong kakayahan. |
| 5 |
| Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki na kayo ay nanalo at magpakumbaba na kayo.” |
| 6 |
| Dahil ang tagumpay ng taoʼy hindi nagmumula sa kung saan-saan, |
| 7 |
| kundi sa Dios lamang. Siya ang humahatol; kung sino ang ibababa at kung sino ang itataas. |
| 8 |
| Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa na puno ng bumubulang matapang na alak na nagpapahiwatig ng kanyang galit. Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama hanggang sa huling patak. |
| 9 |
| Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag ang tungkol sa Dios ni Jacob, aawit ako ng mga papuri para sa kanya. |
| 10 |
| Aalisin niya ang kakayahan ng masasama, ngunit dadagdagan niya ang kapangyarihan ng matutuwid. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/075.mp3
150
75