Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. |
| 2 |
| Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. |
| 3 |
| Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) |
| 4 |
| Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: |
| 5 |
| Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. |
| 6 |
| Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. |
| 7 |
| Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. |
| 8 |
| Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. |
| 9 |
| Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. |
| 10 |
| Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/075.mp3
150
75