Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Sa Juda ang Diyos ay kilala, ang kanyang pangalan sa Israel ay dakila. |
| 2 |
| Natatag sa Salem ang kanyang tahanan, sa Zion ang kanyang dakong tirahan. |
| 3 |
| Doo'y binali niya ang humahagibis na mga palaso, ang kalasag, ang tabak, at mga sandata sa pakikidigma. (Selah) |
| 4 |
| Ikaw ay maluwalhati, higit na marangal, kaysa mga bundok na walang hanggan. |
| 5 |
| Ang matatapang ay inalisan ng kanilang samsam, sila'y lumubog sa pagkakatulog, at wala sa mga mandirigma ang makagamit ng kanilang mga kamay. |
| 6 |
| Sa iyong saway, O Diyos ni Jacob, ang mangangabayo at ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog. |
| 7 |
| Ngunit ikaw, ikaw ay kakilakilabot! Sinong makakatayo sa iyong harapan, kapag minsang ang galit ay napukaw? |
| 8 |
| Mula sa langit ang hatol ay iyong ipinarinig, ang lupa ay natakot, at tumahimik, |
| 9 |
| nang ang Diyos ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng naaapi sa sandaigdigan. (Selah) |
| 10 |
| Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao; ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo. |
| 11 |
| Mamanata ka sa PANGINOON mong Diyos, at tuparin mo ang mga iyon, magdala nawa ng mga kaloob ang lahat ng nasa kanyang palibot, sa kanya na nararapat pag-ukulan ng takot, |
| 12 |
| siyang pumuputol ng espiritu ng mga pinuno, na kinatatakutan ng mga hari sa mundo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/076.mp3
150
76