Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda, sa buong Israel, dakilang talaga; |
| 2 |
| nasa Jerusalem ang tahanan niya, sa Bundok ng Zion, doon tumitira. |
| 3 |
| Lahat ng sandata ng mga kaaway, mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah) |
| 4 |
| O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringal higit pa sa matatag na kabundukan. |
| 5 |
| Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam; nahihimbing sila at nakahandusay, mga lakas nila, lahat ay pumanaw. |
| 6 |
| Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob, sakay at kabayo'y pawang nangalugmok. |
| 7 |
| Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan! Sino ang tatayo sa iyong harapan kapag nagalit ka sa mga kinapal? |
| 8 |
| Sa iyong paghatol na mula sa langit, ang lahat sa mundo'y takot at tahimik. |
| 9 |
| Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis, naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah) |
| 10 |
| Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo. Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang. |
| 11 |
| Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob; dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot. |
| 12 |
| Hambog na prinsipe ay ibinababâ, tinatakot niya hari mang dakila. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/076.mp3
150
76