Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Kilalang-kilala ang Dios sa Juda, at sa Israel ay dakila siya. |
| 2 |
| Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem |
| 3 |
| Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway, ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma. |
| 4 |
| O Dios, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway. |
| 5 |
| Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam. Silang lahat ay namatay na; wala nang makakapagbuhat pa ng kamay sa amin. |
| 6 |
| O Dios ni Jacob, sa inyong sigaw, ang mga kawal at ang kanilang mga kabayo ay namatay. |
| 7 |
| Kaya dapat kayong katakutan. Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit? |
| 8 |
| Mula sa langit ay humatol kayo. Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik |
| 9 |
| nang humatol kayo, O Dios, upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig. |
| 10 |
| Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao ay magbibigay ng karangalan sa inyo, ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos ang inyong galit. |
| 11 |
| Mangako kayo sa Panginoon na inyong Dios at tuparin ito. Lahat kayong mga bansang nasa paligid, magdala kayo ng mga regalo sa Dios na siyang karapat-dapat katakutan. |
| 12 |
| Ibinababa niya ang mapagmataas na mga pinuno; kinatatakutan siya ng mga hari rito sa mundo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/076.mp3
150
76