Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Sa Juda ay kilala ang Dios: ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel. |
| 2 |
| Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo, at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion. |
| 3 |
| Doo'y binali niya ang mga pana ng busog; at kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah) |
| 4 |
| Maluwalhati ka at marilag, mula sa mga bundok na hulihan. |
| 5 |
| Ang mga puso na matapang ay nasamsaman, sila'y nangatulog ng kanilang pagtulog; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay. |
| 6 |
| Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob, ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog. |
| 7 |
| Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit? |
| 8 |
| Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik, |
| 9 |
| Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah) |
| 10 |
| Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao: ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo. |
| 11 |
| Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios: magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, yaong lahat na nangasa buong palibot niya. |
| 12 |
| Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo: siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/076.mp3
150
76