|
| 1 |
|
| Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas, ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad. |
|
| 2 |
|
| Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag, hindi ako napagod, dumalangin na magdamag, ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad. |
|
| 3 |
|
| Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing, ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah) |
|
| 4 |
|
| Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa, hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa. |
|
| 5 |
|
| Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw, nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan; |
|
| 6 |
|
| ako'y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi, ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili: |
|
| 7 |
|
| “Ako baga, Panginoo'y lubusan mong itatakwil? Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin? |
|
| 8 |
|
| Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na? Hindi na ba maaaring sa pangako mo'y umasa? |
|
| 9 |
|
| Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na? Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah) |
|
| 10 |
|
| Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.” |
|
| 11 |
|
| Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. |
|
| 12 |
|
| Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. |
|
| 13 |
|
| Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. |
|
| 14 |
|
| Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha. |
|
| 15 |
|
| Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos, ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah) |
|
| 16 |
|
| Noong ikaw ay makita ng maraming mga tubig, pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig. |
|
| 17 |
|
| Magmula sa mga ulap mga ulan ay bumuhos, at mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulog na katulad ay palasong sumisibat sa palibot. |
|
| 18 |
|
| Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot, ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob; pati mundo ay nayanig na para bang natatakot. |
|
| 19 |
|
| Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan; ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan. |
|
| 20 |
|
| Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan, si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay! |
|
|
|
|