Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| O PANGINOON, aming Panginoon, sa buong lupa ay napakadakila ng iyong pangalan! Sa itaas ng mga langit ay inaawit ang iyong kaluwalhatian |
| 2 |
| mula sa bibig ng mga sanggol at mga musmos, ikaw ay nagtatag ng tanggulan dahil sa mga kalaban mo, upang patahimikin ang kaaway at ang maghihiganti sa iyo. |
| 3 |
| Kapag pinagmamasdan ko ang iyong kalangitan, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inilagay; |
| 4 |
| ano ang tao upang siya'y iyong alalahanin? at ang anak ng tao upang siya'y iyong kalingain? |
| 5 |
| Gayunma'y ginawa mo siyang mababa lamang nang kaunti kaysa Diyos, at pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. |
| 6 |
| Binigyan mo siya ng kapamahalaan sa mga gawa ng iyong mga kamay; sa ilalim ng kanyang mga paa ay inilagay mo ang lahat ng mga bagay, |
| 7 |
| lahat ng tupa at baka, gayundin ang mga hayop sa parang, |
| 8 |
| ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anumang nagdaraan sa mga daanan ng dagat. |
| 9 |
| O PANGINOON, aming Panginoon, sa buong lupa ay napakadakila ang iyong pangalan! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/008.mp3
150
8