Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit! |
| 2 |
| Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway. |
| 3 |
| Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. |
| 4 |
| Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? |
| 5 |
| Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. |
| 6 |
| Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: |
| 7 |
| mga tupa at kawan pati na ang mababangis, |
| 8 |
| lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan. |
| 9 |
| O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/008.mp3
150
8