Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. |
| 2 |
| Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. |
| 3 |
| Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; |
| 4 |
| Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? |
| 5 |
| Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. |
| 6 |
| Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: |
| 7 |
| Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; |
| 8 |
| Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. |
| 9 |
| Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/008.mp3
150
8