|
| 1 |
|
| Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka. |
|
| 2 |
|
| Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami. |
|
| 3 |
|
| Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami. |
|
| 4 |
|
| Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan? |
|
| 5 |
|
| Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana. |
|
| 6 |
|
| Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan. |
|
| 7 |
|
| Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas. |
|
| 8 |
|
| Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon. |
|
| 9 |
|
| Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain. |
|
| 10 |
|
| Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios. |
|
| 11 |
|
| Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog. |
|
| 12 |
|
| Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopat siyay binubunot nilang lahat na nangagdadaan? |
|
| 13 |
|
| Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang. |
|
| 14 |
|
| Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito, |
|
| 15 |
|
| At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili. |
|
| 16 |
|
| Nasunog ng apoy, at naputol: silay nalipol sa saway ng iyong mukha. |
|
| 17 |
|
| Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili. |
|
| 18 |
|
| Sa gayoy hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan. |
|
| 19 |
|
| Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami. |
|
|
|
|