Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak. |
| 2 |
| Umawit sa saliw ng mga tamburin, kasabay ng tugtog ng lira at alpa. |
| 3 |
| Hipan ang trumpeta tuwing nagdiriwang, kung buwan ay bago't nasa kabilugan. |
| 4 |
| Pagkat sa Israel, ito'y isang utos, batas na ginawa ng Diyos ni Jacob. |
| 5 |
| Sa mga hinirang, ang utos di'y ito nang sila'y ilabas sa bansang Egipto. Ganito ang wika na aking narinig: |
| 6 |
| “Mabigat mong dala'y aking inaalis, ikaw ay iibsan sa pasan mong labis. |
| 7 |
| Iniligtas kita sa gitna ng hirap, sinaklolohan ka nang ika'y tumawag; tinugon din kita sa gitna ng kidlat, at sinubok kita sa Batis Meriba. (Selah) |
| 8 |
| Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin, sana'y makinig ka, O bansang Israel. |
| 9 |
| Ang diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran. |
| 10 |
| Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo, ako ang tumubos sa iyo sa Egipto; pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo. |
| 11 |
| “Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin, di ako sinunod ng bayang Israel, |
| 12 |
| sa tigas ng puso, aking hinayaang ang sarili nilang gusto'y siyang sundan. |
| 13 |
| Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; |
| 14 |
| ang kaaway nila'y aking lulupigin, lahat ng kaaway agad lilipulin. |
| 15 |
| Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot, ang parusa nila'y walang pagkatapos. |
| 16 |
| Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko; at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/081.mp3
150
81