Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan: |
| 2 |
| “Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah) |
| 3 |
| Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. |
| 4 |
| Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas! |
| 5 |
| “Anong pagkamangmang ninyo, wala kayong nalalaman! Sa gitna ng kadilima'y doon kayo nananahan, sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan. |
| 6 |
| Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan, |
| 7 |
| ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay; katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.” |
| 8 |
| O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian, ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/082.mp3
150
82