Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Pinamumunuan ng Dios ang pagtitipon ng kanyang mga mamamayan. Sa gitna ng mga hukom siya ang humahatol sa kanila. |
| 2 |
| Sinabi niya sa kanila, “Hanggang kailan kayo hahatol ng hindi tama? Hanggang kailan ninyo papaboran ang masasama? |
| 3 |
| Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi. |
| 4 |
| Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao! |
| 5 |
| Wala silang nalalaman! Hindi sila nakakaintindi! Wala silang pag-asa, namumuhay sila sa kadiliman at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo. |
| 6 |
| Sinabi ko na sa inyo na kayo ay mga dios, mga anak ng Kataas-taasang Dios. |
| 7 |
| Ngunit gaya ng ibang mga namumuno ay babagsak kayo, at gaya ng ibang tao ay mamamatay din kayo.” |
| 8 |
| Sige na, O Dios, hatulan nʼyo na ang lahat ng bansa sa mundo, sapagkat sila namaʼy sa inyo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/082.mp3
150
82