×

Magandang Balita Bible (Revised) 2005

Awit 82

1
Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan:
2
“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah)
3
Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.
4
Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!
5
“Anong pagkamangmang ninyo, wala kayong nalalaman! Sa gitna ng kadilima'y doon kayo nananahan, sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan.
6
Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan,
7
ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay; katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.”
8
O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian, ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay!
Tagalog Bible 2005
2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala