Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios. |
| 2 |
| Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah) |
| 3 |
| Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. |
| 4 |
| Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama, |
| 5 |
| Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos. |
| 6 |
| Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. |
| 7 |
| Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo. |
| 8 |
| Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/082.mp3
150
82