Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Huwag kang manahimik, O Diyos, huwag kang magpabaya, ikaw ay kumilos. |
| 2 |
| Hayun! Ang kaaway nagsisipag-alsa, at ang namumuhi'y kinakalaban ka. |
| 3 |
| Sila'y nagbabalak laban sa hinirang, laban sa lahat ng iyong iningatan. |
| 4 |
| Ganito ang sabi, “Ating papawiin, ang kanilang bansa'y ating lilipulin; upang ang Israel, malimutan na rin!” |
| 5 |
| Nagkakaisang lahat, sila ay nagplano, kanilang pasya ay lumaban sa iyo. |
| 6 |
| Ang lahi ni Edom at ang Ismaelita, Moab at Agarenos lahat nagkaisa. |
| 7 |
| Ang Gebal at Ammon gayon din ang pasya, Amalek at Tiro at ang Filistia. |
| 8 |
| Pati ang Asiria'y nakipagsabwatan, sa lahi ni Lot, nakipagtulungan. (Selah) |
| 9 |
| Mga bansang ito'y iyong parusahan, tulad ng parusang ginawa sa Midian, kay Jabi't Siserang nalupig sa laban nang sa Ilog Kison, buhay winakasan. |
| 10 |
| Pinatay lahat at ang hukbo'y nawasak, sa Endor, ang bangkay nila ay nagkalat. |
| 11 |
| Yaong mga bantog nilang punong-kawal, kay Oreb at Zeeb iparis ang buhay. Lupigin mong lahat ang pinuno nila tulad ng sinapit ni Zeba't Zalmuna, |
| 12 |
| sila ang nagsabing, “Ang pastulan ng Diyos ay ating kamkami't maging ating lubos.” |
| 13 |
| Ikalat mo silang parang alikabok, tulad ng dayami na tangay ng unos. |
| 14 |
| Tulad ng pagtupok ng apoy sa gubat, nang ang kaburula'y kubkob na ng ningas, |
| 15 |
| gayon mo habulin ng bagyong malakas, ito ang gawin mo't nang sila'y masindak. |
| 16 |
| Mga taong yaon sana'y hiyain mo, upang matutong maglingkod sa iyo. |
| 17 |
| Lupigin mo sila't takuting lubusan, lubos mong hiyain hanggang sa mamatay. |
| 18 |
| Sana ikaw, Yahweh, kanilang mabatid, ang tangi't dakilang hari ng daigdig! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/083.mp3
150
83