Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, huwag kayong manahimik. Kumilos po kayo! |
| 2 |
| Masdan ang inyong mga kaaway, maingay silang sumasalakay at ipinagyayabang na mananalo sila. |
| 3 |
| Nagbabalak sila ng masama laban sa inyong mga mamamayan na inyong kinakalinga. |
| 4 |
| Sinabi nila, “Halikayo, wasakin natin ang bansang Israel upang makalimutan na siya magpakailanman.” |
| 5 |
| At nagkasundo sila sa masamang plano nila. Gumawa sila ng kasunduan laban sa inyo. |
| 6 |
| Sila ay mga taga-Edom, mga Ishmaelita, mga taga-Moab, mga Hagreo, |
| 7 |
| mga taga-Gebal, taga-Ammon, taga-Amalek, mga taga-Filistia at mga taga-Tyre. |
| 8 |
| Kumampi rin sa kanila ang Asiria, isang bansang malakas na kakampi ng lahi ni Lot. |
| 9 |
| Talunin nʼyo sila Panginoon, katulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianita at kina Sisera at Jabin doon sa Lambak ng Kishon. |
| 10 |
| Namatay sila sa Endor at ang mga bangkay nilaʼy nabulok at naging pataba sa lupa. |
| 11 |
| Patayin nʼyo ang mga pinuno nila katulad ng ginawa ninyo kina Oreb at Zeeb at kina Zeba at Zalmuna. |
| 12 |
| Sinabi nila, “Agawin natin ang lupain ng Dios.” |
| 13 |
| O Dios ko, ikalat nʼyo sila na parang alikabok o ipa na nililipad ng hangin. |
| 14 |
| Tulad ng apoy na tumutupok sa mga puno sa kagubatan at kabundukan, habulin nʼyo sila ng inyong bagyo at takutin ng malalakas na hangin. |
| 15 |
| 16 |
| Hiyain nʼyo sila Panginoon hanggang sa matuto silang lumapit sa inyo. |
| 17 |
| Sana nga ay mapahiya at matakot sila habang buhay. Mamatay sana sila sa kahihiyan. |
| 18 |
| Para malaman nilang kayo, Panginoon, ang tanging Kataas-taasang Dios sa buong mundo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/083.mp3
150
83