|
| 1 |
|
| Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. |
|
| 2 |
|
| Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. |
|
| 3 |
|
| Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. |
|
| 4 |
|
| Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa. |
|
| 5 |
|
| Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan: |
|
| 6 |
|
| Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno; |
|
| 7 |
|
| Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro: |
|
| 8 |
|
| Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot. |
|
| 9 |
|
| Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison: |
|
| 10 |
|
| Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa. |
|
| 11 |
|
| Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna; |
|
| 12 |
|
| Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios. |
|
| 13 |
|
| Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin. |
|
| 14 |
|
| Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok; |
|
| 15 |
|
| Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos. |
|
| 16 |
|
| Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon. |
|
| 17 |
|
| Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol: |
|
| 18 |
|
| Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa. |
|
|
|
|