Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoong Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo! |
| 2 |
| Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay. |
| 3 |
| Panginoong Makapangyarihan, aking Hari at Dios, kahit na ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay. |
| 4 |
| Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong templo; lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo. |
| 5 |
| Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong templo. |
| 6 |
| Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan. |
| 7 |
| Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion. |
| 8 |
| Panginoong Dios na Makapangyarihan, Dios ni Jacob, pakinggan nʼyo ang aking panalangin! |
| 9 |
| Pagpalain nʼyo O Dios, ang tagapagtanggol namin, ang hari na inyong pinili. |
| 10 |
| Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama. |
| 11 |
| Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay. |
| 12 |
| O Panginoong Makapangyarihan, mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/084.mp3
150
84