Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| PANGINOON, ikaw ay naging mabuti sa iyong lupain, ibinalik mo ang kayamanan ng Jacob. |
| 2 |
| Pinatawad mo ang kasamaan ng iyong bayan, pinatawad mo ang lahat nilang kasalanan. (Selah) |
| 3 |
| Inalis mo ang lahat ng poot mo, tumalikod ka sa bangis ng galit mo. |
| 4 |
| O Diyos ng aming kaligtasan, muli mo kaming panumbalikin, at alisin mo ang iyong galit sa amin. |
| 5 |
| Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Ipagpapatuloy mo ba ang iyong galit sa lahat ng salinlahi? |
| 6 |
| Hindi ba kami ay muling bubuhayin mo, upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo? |
| 7 |
| O PANGINOON, ipakita mo sa amin ang iyong tapat na pagsuyo, at ipagkaloob mo sa amin ang pagliligtas mo. |
| 8 |
| Aking papakinggan kung ano ang sasabihin ng Diyos na PANGINOON, sapagkat siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kanyang bayan at sa kanyang mga banal, ngunit huwag silang muling manumbalik sa kahangalan. |
| 9 |
| Tunay na ang kanyang pagliligtas ay malapit sa kanila na natatakot sa kanya; upang ang kaluwalhatian ay manahan sa aming lupain. |
| 10 |
| Magsasalubong ang tapat na pag-ibig at katapatan, ang katuwiran at kapayapaan ay maghahalikan. |
| 11 |
| Bubukal sa lupa ang katotohanan, at tumitingin mula sa langit ang katuwiran. |
| 12 |
| Oo, ibibigay ng PANGINOON kung ano ang mabuti; at ang ating lupain ay magbibigay ng kanyang ani. |
| 13 |
| Mangunguna sa kanya ang katuwiran, at ang kanyang mga yapak ay gagawing daan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/085.mp3
150
85