Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ikaw po, O Yahweh, naging mapagbigay sa iyong lupain, pinasagana mo't muling pinaunlad ang bansang Israel. |
| 2 |
| Yaong kasamaan ng mga anak mo'y nilimot mong tunay, pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan. (Selah) |
| 3 |
| Ang taglay mong poot sa ginawa nila'y iyo nang inalis, tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit. |
| 4 |
| Panumbalikin mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, ang pagkamuhi sa amin ay iyo nang wakasan. |
| 5 |
| Ang pagkagalit mo at poot sa ami'y wala bang hangganan? Di na ba lulubag, di ba matatapos ang galit mong iyan? |
| 6 |
| Ibangon mo kami, sana'y ibalik mo ang nawalang lakas, at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak. |
| 7 |
| Kaya ngayon, Yahweh, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas. |
| 8 |
| Aking naririnig mga pahayag na kay Yahweh nagmula; sinasabi niyang ang mga lingkod niya'y magiging payapa, kung magsisisi at di na babalik sa gawang masama. |
| 9 |
| Ang nagpaparangal sa pangalan niya'y kanyang ililigtas, sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap. |
| 10 |
| Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad, ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap. |
| 11 |
| Sa balat ng lupa'y sadyang maghahari itong katapatan, mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan. |
| 12 |
| Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay, ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam; |
| 13 |
| ang katarunga'y mauuna sa kanyang daraanan, kanyang mga yapak, magiging bakas na kanilang susundan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/085.mp3
150
85