Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain. Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel. |
| 2 |
| Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan; inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan. |
| 3 |
| Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin. |
| 4 |
| Minsan pa, O Dios, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan. Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin. |
| 5 |
| Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin, hanggang sa aming mga salinlahi? |
| 6 |
| Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo? |
| 7 |
| Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas. |
| 8 |
| Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Dios, dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan; iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan. |
| 9 |
| Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya, upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain. |
| 10 |
| Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama at ganoon din ang katarungan at kapayapaan. |
| 11 |
| Ang katapatan ng tao sa mundo ay alam ng Dios sa langit, at ang katarungan ng Dios sa langit ay matatanggap ng tao sa mundo. |
| 12 |
| Tiyak na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mabuti at magkakaroon ng ani ang ating lupain. |
| 13 |
| Ang katarungan ay parang tagapagbalita na mauunang dumating para ihanda ang daan ng Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/085.mp3
150
85