Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob. |
| 2 |
| Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah) |
| 3 |
| Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit. |
| 4 |
| Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin. |
| 5 |
| Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi? |
| 6 |
| Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo? |
| 7 |
| Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas. |
| 8 |
| Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan. |
| 9 |
| Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain. |
| 10 |
| Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan. |
| 11 |
| Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit. |
| 12 |
| Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga. |
| 13 |
| Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/085.mp3
150
85