|
| 1 |
|
| Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin, tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing; ako'y mahina na't wala nang tumingin. |
|
| 2 |
|
| Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan, lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman. |
|
| 3 |
|
| Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan, sa buong maghapo'y siyang tinatawagan. |
|
| 4 |
|
| Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak, pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag. |
|
| 5 |
|
| Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili. |
|
| 6 |
|
| Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin. |
|
| 7 |
|
| Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag. |
|
| 8 |
|
| Sa sinumang diyos wala kang kawangis, sa iyong gawai'y walang makaparis. |
|
| 9 |
|
| Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan. |
|
| 10 |
|
| Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila na anumang gawin ay kahanga-hanga! |
|
| 11 |
|
| Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim. |
|
| 12 |
|
| O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan. |
|
| 13 |
|
| O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay. |
|
| 14 |
|
| Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin, taong mararahas, na ang adhikain ay labanan ako't ang buhay ay kitlin. |
|
| 15 |
|
| Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait, wagas ang pag-ibig, di madaling magalit, lubhang mahabagi't banayad magalit. |
|
| 16 |
|
| Pansinin mo ako, iyong kahabagan, iligtas mo ako't bigyang kalakasan, pagkat ako'y lingkod mo rin tulad ng aking nanay. |
|
| 17 |
|
| Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan! |
|
|
|
|