Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod, |
| 2 |
| ang lunsod na ito'y higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob. |
| 3 |
| Kaya't iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah) |
| 4 |
| “Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama, aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia; ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.” |
| 5 |
| At tungkol sa Zion, sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan, siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.” |
| 6 |
| Si Yahweh ay gagawa, ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah) |
| 7 |
| sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing, “Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/087.mp3
150
87