Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok. |
| 2 |
| Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob. |
| 3 |
| Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo, Oh bayan ng Dios. (Selah) |
| 4 |
| Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin: narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia; ang isang ito ay ipinanganak diyan. |
| 5 |
| Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; at itatatag siya ng Kataastaasan. |
| 6 |
| Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang isinulat ang mga bayan, ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah) |
| 7 |
| Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi, lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/087.mp3
150
87